Thursday, August 18, 2016

Kasiyahan





Kasiyahan



Sa lilim ng buwan 
Tayo'y maghabulan
Iyong bawat haplos
Dala'y init ng pag-ibig
Humahalina na yayain ka 
Sa sayaw ng erotikong musika
Pawiin mo ang lumbay
Sa aliw ng bawat kumpas
At pilantik ng iyong mga daliri
hayaan mong sakupin
Ang templo ng iyong kaluluwa
Nitong digmaang sinimulan
Ng liwanag ng buwan
Piliting ihinto
Ang nakakabaliw na bulong
Na ang sumamo ay bilisan pa
Ang taas-baba
Ng bawat indak sa sayawang apoy
Damhin ang init 
Ng bawat patak ng luha
Na animo'y singdami ng mga tala
Pumapawi sa bawat nais na
rurok ng kalangitan ay maabtan
H'wag kagalitan ang pagod
At sa mga bisig hayaang dumampa
Balewala ang kirot ng paso sa apoy na nag-aalab na pag-ibig
Masayang hihimlay kumot ang 
mga bituin 
na ang bawat hiling ay wag lisanin ng gabing madilim.

No comments:

Post a Comment

Isuntok sa pader o sa buwan isagaw sa bundok  o sa isipan walang pagkakaiba basta nasaktan tanggapin na lang ng matauhan M.G.